Friday , December 8 2023

Tulong pinansiyal para kay Jam, winawaldas daw ni Deborah?

080615 aiko melendez deborah sun jam
FOLLOW-UP ito sa aming naisulat tungkol sa kalagayan ni Jam Melendez, anak ni Deborah Sun, na ayon sa sumuri sa kanya noong June 12 ay mayroong schizophrenia. Ito’y isang uri ng mental disorder.

Pero kung tatanungin si Deborah, “Hindi siya (Jam) baliw or whatever.”

Ang latest, nagkapasa ang character actress sanhi ng umano’y pagwawala ni Jam over the weekend.  Deborah had no other recourse kundi i-confine si Jam sa isang rehab facility.

Bago rito, ang pagpapa-rehab sa anak what would cost her more than P12,000 ang pinoporoblema ni Deborah, kaya ang confinement ni Jam sa pagkakataong ito ay on a promissory note.

Samantala, ipinagtataka ng marami-rami na rin palang nag-abot ng tulong-pinansiyal kay Deborah—para kay Jam—kung saan napunta ‘yon.  Isang distant showbiz relative ang nakapagbigay na ng P30,000 hanggang P50,000, halagang sapat na marahil para sa payak na pangangailangan nilang mag-ina, pero saan daw napunta ang pera?

Earlier, we wrote na willing naman ang kapatid ni Jam na si Aiko Melendez to extend help to her distraught brother.

Pero may regular bang pinagkukunan ng income si Aiko sa ngayon? Balita nga namin, pinagkakasya ng aktres ang sustentong ibinibigay ni Jomari Yllana para sa anak nilang si Andrei.

At kung totoo ngang “winawaldas”—that is, kung totoo—ni Deborah ang pera, kahit sino naman sigurong bukas-palad na nilalang sa pagtulong ay manghihinawa rin.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Kimson Tan

Kimson Tan inalok P1-M ng isang bading para sa isang dinner date

RATED Rni Rommel Gonzales GUWAPO, makinis, matangkad, at hunky ang Sparkle male star na si Kimson …

Ynna Asistio Yana Asistio

Ynna at Yana naisakatuparan pangarap na restoran

RATED Rni Rommel Gonzales EXCITED si Ynna Asistio dahil very successful ang season 1 ng kanyang Youtube vlog na Behind …

Ron Angeles Mallari Piolo Pascual

Piolo matagal nang pangarap makatrabaho ni Ron Angeles

MATABILni John Fontanilla ISANG kabuuan ng pangarap ni Ron Angeles ang makasama sa pelikula ang si Piolo Pascual. …

Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Karla may pakiusap: tantanan, ‘di nakatutulong sa paghilom ng kanilang sugat 

REALITY BITESni Dominic Rea ISANG fake news ang pinasinungalingan ni Karla Estrada patugkol sa kanya kamakailan. Simula …

Piolo Pascual Mallari

Piolo lalong gumagwapo kapag nalalasing

REALITY BITESni Dominic Rea HABANG pinagmamasdan ko si Piolo Pascual sa grand mediacon ng kanyang latest film …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *