Thursday , January 20 2022

Sa kasal nila ni Frankie Jose, Yaya Dub totoong itinakbo sa ospital (‘Di kasama sa script!)

081015 alden Yaya dub frankie jose
ANG tindi talaga ng dating ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub sa Eat Bulaga.

Yes kahit saang lugar ka magpunta ngayon ay parating topic ang tambalan ng dalawa, na inaabangan mula Lunes hanggang Sabado sa kanilang sikat na #Kalyeserye kasama ng dalawa ang agaw eksena rin sa serye na si Lola Nidora (Wally Bayola) ang mataray na amo ni Yaya Dub na kontrabida sa pag-iibigan nila ni Alden.

Pasok na rin ang character ni Frankie (Jose Manalo) bilang ka-love triangle ng AlDub na nag-attempt na pakasalan noong Sabado si Yaya Dub kaso hindi ito natuloy dahil nawalan nga ng malay ang bride to be na hate na hate siya at yuckie ang tingin sa kanya.

Nagkagulo ang fans sa Barangay dahil sumugod roon si Alden para pigilan ang kasal at itakas sana ang minamahal na si Yaya Dub. Ito na sana ang pagkakataon para finally ay magkita silang dalawa kaso, may nangyari nga rito. Dahil tinututokan talaga ang nasabing kasalan kahit maraming fans, ang nagwawala dahil hindi nila maatim na mapupunta si Yaya Dub kay Frankie ay naging trending topic pa rin agad ang #AlDubWeBelongTogether sa twitter. At lalong naalarma ang lahat ng avid fans ng AlDub nang mabalitaan nila na hindi pala scripted ‘yung pagkaka-collapse ni Yaya Dub, dahil totoo at masama talaga ang pakiramdam ng popular na TV personality noong araw na ‘yun sa paghahanda nila sa okasyon at nakalimutan raw uminom ng gamot.

Ayun na nga isinugod talaga ang nasabing yaya sa Cardinal Santos Hospital na malapit lang sa Barangay na pinagdausan ng “Juan For All, All For Juan” Pero agad na nag-post sa kanyang Instagram Account na @mainedcm si Yaya Dub para sabihin sa lahat na ayos na ang kalagayan nito. Narito ang laman ng kanyang mensahe para sa lahat ng mga tagahanga nila ng kanyang Papa Alden. “Alive and still kicking! As I have posted earlier, I’m feeling under the weather since this morning. We’re too busy preparing for the segment that I forgot to take my meds. That’s probably the reason why I passed out during our cue. None of it was scripted. I was immediately rushed to the hospital so I can have myself checked. But nothing to worry, they said it’s all because of over fatigue. Super appreciate all the love and concern from everyone! Rampa na ulit si Yaya Dub!” sey niya.

Uy ginastusan talaga ng Eat Bulaga ang nasabing wedding na tumayong mga Ninong at Ninang sa EB studio sina Bossing Vic Sotto, Tito Sen, Joey de Leon at nag-iisang ninang na si Dabarkads Allan K. Pumalo rin sa mataas na rating ang nasabing episode. Kaya Dabarkads tuloy-tuloy lang ang pagtutok sa #KalyeSerye ng AlDub.

Panalo ang noontime serye na ito gyud!

ON THE WINGS OF LOVE KOKOMPLETO SA ABS-CBN PRIMETIME BIDA NA PALABAS NA SIMULA NGAYONG AGOSTO 10

052015 jadine

Lahat ng guesting nina James Reid at Nadine Lustre sa mga show ng Kapamilya network ay trending topic agad sa iba’t ibang social media sites.

Kahapon sa ginawang prod number ng dalawa sa ASAP 20 ay impressive ang sikat na loveteam na simula ngayong gabi ay inyo nang mapapanood sa kanilang kauna-unahang teleserye sa Dreamscape Entertainment na “On The Wings of Love” kasama ang mahuhusay na actor sa ABS-CBN sa pangunguna ni Ms. Cherry Pie Picache, Joel Torre, Albie Casino, Bianca Manalo and with special participation rin sa serye sina Isay Alvarez at Katya Santos.

Sa dami ng JaDine fans at iba pang viewers na pare-parehong mga nag-aabang sa nasabing soap kasama na ang TFC subscribers, na makare-relate dahil sa tema ng story tungkol sa mga OFW. Ang OTWOL na nga ang siyang kukumpleto sa mga primetime show ng ABS-CBN na pawang top-rater tulad ng Nathaniel ni Marco Masa na produced din ng Dreamscape na as of now ay 35.9% ang rating at ang love serye ng Star Creatives na “Pangako Sa‘Yo” na pinagbibidahan naman nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na umaabot sa 35.0% ang rating base sa datos ng National TV Ratings.

Sa tindi ng magic na hatid ng loveteam nina James at Nadine, grabe, kung magpakilig ay siguradong tulad ng Nathaniel at PSY ay makahahatak rin agad sila ng maraming viewers once mapanood ang kanilang love serye, na kompletong-kompleto sa tema at ubod nang ganda ang pagkakagawa sa San Francisco, USA at dito sa Pinas ng mga director ng On The Wings of Love na sina Antoniette Jadaone at Jojo Saguin.

Siguradong lahat ng viewers, ay hindi rin bibitaw sa panononood nila gabi-gabi ng seryeng ito pagkatapos ng Pangako Sa‘Yo. Si Kyla pala ang kumanta ng themesong ng JaDine love serye. Soon ay mapapanood na rin ang dalawa pa sa malalaking teleserye ng Dreamscape na “Probinsyano” ni Coco Martin at ang pagbabalik sa primetime ni Julia Montes sa “Doble Kara” kasama ang dalawang bagong leading man na sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles.

Last week of August naman ay sasalang na rin ang pagsasamahang episode nina Alex Gonzaga at Ejay Falcon sa Wansapanataym Special na “I Heart Kuryente Kid” na papalit naman sa highly ratings episode ng chinito heartthrobs na sina Enchong Dee at Richard Yap na “My Kung Fu Chinito.” Tuloy-tuloy naman ang taping para sa “And I Love You So,” topbilled by Julia Barretto, Inigo Pascual and Miles Ocampo at iba pang mga star.

 

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Maria Ozawa Jose Sarazola

Chef Jose at Maria ‘di kinaya ang LDR kaya naghiwalay

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Chef Jose Sarasola na hindi nila kinaya ng Japanese celebrity na …

Jessy Mendiola

Jessy pinalagan basher na bumasag sa hilig niyang mag-exercise

MA at PAni Rommel Placente ISA pang pumatol sa basher ay si Jessy Mendiola. Nag-comment kasi …

Rabiya Mateo

Basher na kumuwestiyon sa pag-arte ni Rabiya nag-deactivate ng account

MA at PAni Rommel Placente NOONG Lunes ay nag-post si Rabiya Mateo ng photos niya na tumutulong …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor mabilis naglaho ang boy next door appeal

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang buwan lamang ang nakararaan, poging-pogi ang dating ng isang male …

Vilma Santos

Ate vi nagsalita na sa tunay na dahilan ng pagtalikod sa politika

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, maging ang mga kritiko ay nagsasabing talagang napakahusay gumawa ng …

Leave a Reply