Friday , January 27 2023

Liza, kahanga-hanga ang kabaitan

012715 Liza Soberano
REPORT ito ng isang friend naming si Lenny na taga-Kyusi about the memorable experience ng kanyan niece named Kim, 10 at avid fan ni Liza Soberano.

Nag-birthday si Kim last week at dahil knows niyang taga-showbiz and kanyang aunt ay isa lang ang gift na hiling niya, ang mapanood at makita ng face-to-face ang idolo sa personal appearance nito sa Binan, Laguna.

Agad kaming tinawagan ni friend dahil wala raw siyang malalapitang Kapamilya. Nakibalita kami at nang malamang close si Liza sa radio-TV host and comedian Ogie Diaz ay hinagilap namin ang cp number ni OD. Nakuha naman namin ang number niya from our sweet entertainment editor (Maricris) at anak-anakang Pilarsky (Mateo).

To make a long story short, nagkausap si friend at si OD. Sa show ay naka-reserve ang seats para kay Kim at companions. Nang malaman ni Liza ang tungkol sa celebrator-fan ay binati niya ito at hinandugan ng awit. Kilig ang Kim, siyempre.

‘Di lang ‘yon. Matapos ang numero nila ng kalabtim na si Enrique Gil ay bumaba si Liza ng stage at lumapit kay Kim. Bukod sa yakap at halik ay kinalong ng young actress ang fan. Lalong kinilig ang girl.

Isang magandang alaala at gift na ‘di mabibili ng pera ang ginawa ni Liza sa fan. Palakpakan natin siya. TY naman is in order for colleague Ogie na kasama sa cast ng sikat na Kapamilya dramang  Nathaniel.  Pati kina Maricris at Pilar.

Now, alam na natin kung bakit mahal ng kanyang mga tagahanga si Liza. She is sweet and accommodating sa mga ito. Signs ito ng artistang aakyat sa success ladder. ‘Di siya tulad sa ibang wannabe na ‘di pa sikat pero acting-sikat na.

KUROT LANG – Nene Riego

About Nene Riego

Check Also

Ara Mina

Sa sunod-sunod na trabaho
ARA MINA AYAW MUNA MAGBUNTIS

I-FLEXni Jun Nardo TIME out muna si Ara Mina sa pagbubuntis this year. Eh nagdatingan kay Ara …

Spa Massage

Spa ginagamit para ibugaw mga starlet at indie stars

ni Ed de Leon AKTIBO na naman umano ang mga showbiz pimps. May isang showbiz pimp na …

Vice Ganda

Career ni Vice Ganda bumubulusok na?

HATAWANni Ed de Leon MAY tsismis kaming nasagap. Tsismis lang naman ito, hindi kami sigurado …

Charles Angeles

Charles ng Marikit Artist Management handa sa intriga sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente NOONG Martes ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ang bagong …

Klinton Start Nadine Lustre

Klinton Start wish maka-work si Nadine

MATABILni John Fontanilla MAGDIRIWANG ng kanyang ika-21 kaarawan ang tinaguriang Supremo ng dance Floor at …

Leave a Reply