Tuesday , September 17 2024

Letran asam ang ika-7 panalo vs Lyceum

062615 ncaaMga Laro Ngayon (The Arena, San Juan)
2 pm – St. Benilde vs San Sebastian
4 pm – Letran vs Lyceum

NAKATUON ang pansin ng nangungunang Letran Knights sa ikapitong sunod na panalo sa pagtatagpo nila ng Lyceum Pirates sa  91st season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan.

Sa unang laro sa ganap na 2 pm ay maghaharap ang San Sebastian Stags at St. Benilde Blazers na kapwa nais na makaiwas malaglag sa dulo ng standings.

Ang Knights, na ngayon ay ginagabayan ni head coach Aldin Ayo, ang tanging koponang hindi pa nakakatikim ng kabiguan sa torneo. Sila ay galing sa 77-68 panalo kontra sa Arellano University Chiefs noong Biyernes.

Sa larong iyon ay nagningning si Kevin Racal na gumawa ng 24 puntos. Nagtala naman ng 13 puntos at sampung rebounds si Rey Nambatac samantalang nag-ambag ng 12 si Jomari Sollano.

Bagama’t nalimita sa siyam na puntos si Mark Cruz ay siniguro naman niya ang panalo ng Knights sa pamamagitan ng isang three-point shot may 1:52 ang nalalabi sa laro.

Ang Pirates, na ngayon ay hawak ni coach Topex Robinson, ay may 1-5 record at nasa ikapitong puwesto kasama ng EAC, St. Benilde at San Sebastian.  Galing ang Pirates sa 109-95 kabiguan buhat sa Cardinals.

Ang Pirates ay pinangungunahan ng import na si Guy Mbida na tinutulungan nina Joseph Gabayni, Jebb Bulawan, Wilson Baltazar at Jeremiaj Taladua.

Ang Stags ay hawak ngayon ni Rodney Santos na humalili kay Robinson. Kabilang sa inaasahan ni Santos sina Bradwyn Guinto, Jamil Ortuoste at Michael Calisaan.

Si St. Benilde coach Gabby Velasco ay sumasandig naman kina Jonathan Grey, Pos Saavedra,  Jeffrey Ryan Ongteco at Ralp Deles.

(SABRINA PASCUA)

About Sabrina Pascua

Check Also

Carlos Yulo ICTSI

Karagdagang P10M kay Yulo mula sa ICTSI

NAKATANGGAP si Carlos Yulo ng karagdagang P10 milyon mula sa International Container Terminal Services Inc. …

World Dragon Boat Championships ICF

Sports tourism sa Puerto Princesa palalakasin ng World Dragon Boat tilt

HINDI lamang sports development sa dragon boat bagkus ang matulungan ang turismo ng Puerto Princesa …

EJ Obiena Milo A Homecoming

A Homecoming Ceremony

Ang Milo Philippines ay nagsagawa ngayon ng isang homecoming ceremony para kay rank World No. …

Alas Pilipinas Women japan

Alas Pilipinas Women binigyan ng kaba ang siyam na beses na kampeon ng liga sa Japan

IPINAKITA ng Alas Pilipinas Women ang makabuluhang pag-unlad sa maikling panahon, binigyan ang siyam na …

Marlon Bernardino Laos International Chess Open Championship

Filipino & US Chess Master
Bernardino nagkamit ng Ginto sa 3rd Laos International Chess Open Championship 2024

Vientiane, Laos — Muling nagwagi ang 47-anyos na si Filipino at United States Chess Master …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *