Friday , January 27 2023

Pagiging agresibo ni Toni Gonzaga kay Direk Paul Soriano ‘di big deal

 

012915 direk paul soriano toni

BINIBIGYAN ng kulay ng ilan ang pag-amin ni Toni Gonzaga, sa “Aquino and Abunda Tonight” na pagdating sa lambingan nila sa kama ni Direk Paul Soriano ay mas siya ang nagyayaya o nangangalabit sa kanyang husband.

Sabay na nag-guest sa show nina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino si Toni at Direk Paul at nang tanungin nga ng King of Talk na solong host nang gabing iyon ang mag-asawa kung sino ang nauuna sa kanilang mag-aya ay mabilis na itinuro ni Paul ang kanyang misis na singer-actress na hindi naman agad nag-deny.

Well, hindi big deal kung ipagsigawan man ni Toni na siya ang mas higit na agresibo lalo pa’t mag-asawa na sila ni Direk Paul. At isa sa mala-king sikreto ng magandang pagsasama ng couple ay ‘yung active ang kanilang sex life.

At least, hindi katulad ng iba riyan si Toni na nagpapaka-ipokrita o linis-linisan ang drama kapag napag-usapan ang sekswal na bagay.

Honesty is the best policy gyud!

Jana Agoncillo, bibida sa bagong Kapamilya teleserye “NINGNING”

MAGBIBIGAY KULAY AT INSPIRASYON SA ABS-CBN PRIME-TANGHALI

Ipasisilip na araw-araw ng pinakabagong daytime teleserye ng ABS-CBN na “Ningning” ang kagandahan ng buhay, pangarap, at tunay na kahulugan ng kaligayahan na magsisimula na ngayong gabi (Hulyo 27).

Ang teleseryeng ito na mula rin sa mga gumawa ng ‘di malilimutang kuwento ng “Be Careful With My Heart” at “Oh My G” ay pagbibidahan ng Kapamilya child actress na si Jana Agoncillo.

Matapos makilala ng mga manonood sa charming primetime teleserye na “Dream Dad,” bibigyang-buhay naman ni Jana sa pinakabagong feel-good Prime-Tanghali teleserye ng ABS-CBN ang karakter ni Ningning, isang masayahing bata na puno ng pag-asa, pangarap, at pagmamahal para sa kanyang mga magulang na sina Lovely (Beauty Gonzales) at Dondon (Ketchup Eusebio).

Dapat abangan ng mga manonood kung paano sa gitna ng masayang mundong ginagalawan ni Ningning at ng kanyang pamilya ay unti-unting susubukin sila ng malaking pangyayari.

Kaya pa bang maging maningning ng kanilang buhay sa gitna ng mga pagsubok?

Ayon sa direktor ng programa na si Jeffrey Jeturian, bilib siya sa bida ng teleserye na si Jana dahil sa husay nito bilang isang artista.

“One of a kind star si Jana. Bukod sa may talent siya, napakatalino para sa edad niya. Alam niya ang ginagawa niya at palagi siyang handa sa mga eksena na gagawin niya. Kabisado niya hindi lang ang kanyang mga linya kundi maging ang linya ng mga artistang kaeksena niya.

“Ganoon siya ka-smart,” pahayag ni Direk Jeffrey, na siya ring naging direktor ng “Dream Dad” at “Be Careful With My Heart.”

Samantala, bukod sa feel-good na kuwento ng karakter ni Jana, masisilayan din ng TV viewers sa “Ningning” ang ganda ng bayan ng San Vicente, Palawan. Ang lugar na kinuhaan ang unang linggo ng teleserye. Ipakikita rin ng programa ang kakaiba at nakamamanghang ganda na taglay ng isla at ang masayang komunidad na pinaninirahan dito.

Kasama rin nina Beauty, Ketchup, at Jana sa “Ningning” ang ilan sa pinakahinahangaang artista sa industriya na sina Sylvia Sanchez, Vandolph Quizon, Nyoy Volante, Rommel Padilla, Mercedes Cabral, Pooh, at John Steven de Guzman. Tampok din sina Nonie Buencamino at Franco Daza para sa kanilang espesyal na partisipasyon. Huwag palampasin ang pagsisimula ng pinakabagong daytime drama series na magbibigay-liwanag sa araw ng TV viewers, “Ningning” ngayong Lunes na bago mag-”It’s Showtime” sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ningning,” mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ito sa Twitter.com/abscbndotcom.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Ara Mina

Sa sunod-sunod na trabaho
ARA MINA AYAW MUNA MAGBUNTIS

I-FLEXni Jun Nardo TIME out muna si Ara Mina sa pagbubuntis this year. Eh nagdatingan kay Ara …

Spa Massage

Spa ginagamit para ibugaw mga starlet at indie stars

ni Ed de Leon AKTIBO na naman umano ang mga showbiz pimps. May isang showbiz pimp na …

Vice Ganda

Career ni Vice Ganda bumubulusok na?

HATAWANni Ed de Leon MAY tsismis kaming nasagap. Tsismis lang naman ito, hindi kami sigurado …

Charles Angeles

Charles ng Marikit Artist Management handa sa intriga sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente NOONG Martes ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ang bagong …

Klinton Start Nadine Lustre

Klinton Start wish maka-work si Nadine

MATABILni John Fontanilla MAGDIRIWANG ng kanyang ika-21 kaarawan ang tinaguriang Supremo ng dance Floor at …

Leave a Reply