Friday , March 29 2024

Nadine Lustre laging nakasuporta sa kalabtim na si James Reid, young actress may special role sa “Chain Mail”

043015 nadine james

Hangga’t walang sinasabi si James Reid sa kanya tungkol sa isyu ng kalabtim kay Julia Barretto na sinasabing girlfriend umano ngayon ng banyagang young actor, ayaw raw munang paniwalaan ni Nadine Lustre, ang balita kasi never naman raw naglihim sa kanya si James. Open sila sa isa’t isa kaya’t sigurado siya na malalaman niya kung ano talaga ang totoo. Basta siya ay nasa tabi lang ni James at laging nakasuporta sa binata. Naaawa rin pala ang dalaga sa mga pamba-bash ng fans kay James dahil sa issue. “That’s why, I’m here nga po, para maprotektahan ko rin siya para matulungan ko rin siya, like sabi ko nga po hindi naman siya iba, ‘yung nangyari sa aming dalawa, isa po ito sa pinaka-importanteng nangyari sa buhay ko, ito ngang love team namin. Kaya po ako nandito para tulungan ko rin siya,” pahayag ni Nadine sa harap ng entertainment press sa recent grand presscon ng latest film niya sa Viva Films na “Chain Mail.” May special role ang aktres sa pinagbibidahang horror movie ni Meg Imperial, Shy Carlos, Khaleb Santos at AJ Muhlach. This time pala ay hindi kasama ni Nadine si James sa movie pero may teleserye naman sila sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na “On The Wings of Love” na handog nila para sa lahat ng kanilang mga tagahanga na umabot na sa iba’t ibang bansa. Tungkol naman sa kanilang horror flick, gagampanan ni Nadine ang papel ni Anne, ang bestfriend ni Sandra (Shy) na pinatay habang nagbabasa ng chain e-mail sa computer shop ni Zion. Tutulungan si Sandra ng boyfriend ni Anne na si Jake (Khaleb) na mahanap ang pinanggalingan ng naturang chain e-mail. Magtagumpay kaya sina Sandra at Jake na kontrahin ang sumpang kakabit ng chain mail o mapapabi- lang sila sa mga naging biktima nito? Ang Chain Mail” ay umiikot sa misteryo na bumabalot sa pagkamatay ng ilang tao na hinihinalang pinadalhan at nakatanggap ng chain mail. Ang ilan sa kanila, binalewala ito habang ang iba naman ay ipinasa sa ibang tao. Nangyayari ito sa tunay na buhay na na-experience na ng nakararami. Sa pagkakataong ito ay mapapanood na sa kakilakilabot at kahindik-hindik na pelikula ng taon sa ilalim ng direksyon ng multi-awarded na si Adolfo B. Alix Jr. Kasama rin sa cast sina Mark Bautista, Jackie Lou Blanco at John Regala. Kahit katatakutan ang pelikula ay may sexy scenes si Meg rito kaya’t di mabibigo ang male supporters ng flawless na sexy actress. Showing na ang Chain Mail sa mga sinehan nationwide ngayong July 22.

Mga horror fanatic watch niyo ito gyud!

PANGAKO SA‘YO NG KATHNIEL AT BRIDGES OF LOVE NG STAR CREATIVES PAREHONG WINNER ANG ISTORYA AT MATAAS ANG RATINGS

Sa lugar namin sa bandang Quezon City, sa buong compound kung saan kami nakatira at mga kalapit-bahay, majority rito ay nakatutok sa lahat ng primetime teleserye ng ABS-CBN. Kung pumalo na sa pinakamataas na 38% rating ang Nathaniel aba’y proud din din kaming sabihin at ipaalam sa lahat na dahil sa suporta ng milyon-milyong viewers ng dalawang teleserye ng Star Creatives na “Pangako Sa‘Yo” at “Bridges of Love” na kapwa umeere ngayon sa ABS-CBN Primetime Bida. Bukod sa parehong dekalidad at winner sa istorya ay matindi rin lumaban pagdating sa ratings game ang PSY na napapanood weeknights after Nathaniel at BOL naman na palabas rin gabi-gabi pagkatapos ng Pangako Sa‘Yo. As of presstime, nagtala ng 35.9% ang PSY sa episode nila last July 3 na may hashtag na #PangakoSa‘YoAngPagbawi” at sa araw ding ‘yon, 26.2% naman ang rating na nakamit ng BOL para sa episode ng serye na may hashtag na #BridgesofLoveTheClash. Kung mala-pit nang kiligin ang KathNiel fans sa love team idol nila na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na magkakabati na sa wakas sa Casa Corazon. Kung saan nakita at sobrang na-appreciate ni Yna (Kathryn) ang pagpapakumbaba at suporta ng kanyang Boss Angelo (Daniel) sa kanya na buong- ningning na ipinagmamalaki sa lahat ng mga inimbitahang bloggers sa resort ang kanyang recipes na nang i-post ng isang blogger sa kanyang site ay bumida agad sa social media at marami ang nag-like sa mga luto ni Yna na labis na ikinatuwa ng dalaga. Malapit na rin magbalik ang character ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria) na super rich na, at abangan ninyo ang higanti ng dating api. Samantala this week ay mas intense ang mga episode na inyong mawi-witness sa Bridges of Love, sa pagitan ng mga pangunahing bida ng teleserye na sina Maja Salvador, Paulo Avelino at Jericho Rosales. Si Carlos (Paulo) kahit nasa kanya na si Mia (Maja) at malapit na silang ikasal, pakiramdam niya (Carlos) ay parang nag-iisa pa rin siya at panakip butas lang. Paano, alam niya ang totoo na sa kabila ng pagpili sa kanya ni Mia at pagtanggap ng marriages proposal niya, ang dating nobyo pa rin na si Gael (Jericho) ang nasa puso nito at minamahal. Sa photoshoot na lang nila ni Mia para sa kanilang wedding ay sobrang naasar si Carlos nang pansinin ng photographer na hindi pasable ang mga ngiti ni Mia na parang nagsasabi na hindi masaya para maging bride to be niya. Si Gael at ang gumaganap na lawyer niya sa serye na si Isabel Oli ay may panibagong hakbang na gagawin laban kay Carlos. Sa pagkakataong ito kahit na masakit sa kanya bilang ina ng anak na si JR o Carlos ay gagawin ni Nanay Marilen (Maureen Mauricio) na tumayong witness na nakita niyang pumasok sa ospital si Carlos para pagtangkaan ang buhay ng nasa bingit ng kamatayan noon na si Gael na kanyang pinasagasaan sa kanyang tauhan. Gustong makabawi ni Marilen sa anak na si Gael at gusto niyang itama ang lahat para mana-got ang dapat managot. Aamin naman kaya si Carlos na binalak niyang patayin ang sariling kapatid na si Gael? Pwede pa kayang magkasundo ang magkapatid sa lahat ng mga nangyari sa kanila? Abangan at laging panoorin ang Bridges of Love para wala kayong ma-miss na episode.

Kaka-addict talaga silang panoorin gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *