This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
WALANG partido Liberal o oposisyon kung pag-uusapan ang maayos na pamamahala sa lokal na pamahalaan.
Ito ang napatunayan ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan nang gawaran siya ng Seal of Good Governance ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Ibig sabihin, kahit na kilalang matikas na miyembro ng UNA si Mayor Oca Malapitan, hindi puwedeng balewalain ni Secretary Mar ang maayos na pamamahala niya sa Caloocan.
Isa kasi sa prayoridad ni Mayor Oca ang makapagbigay ng empleyo sa mga residente sa lungsod na walang trabaho.
Ang pinakahuli ngang nabigyan ng trabaho ni Mayor Oca ay hindi bababa sa 682 residente sa inilunsad nilang Mega Job Fair nitong nakaraang Hunyo 16 (2015) sa Caloocan South at nitong Hunyo 24 (2015) sa Caloocan North.
Pero bago ito, nakapaglunsad na rin ng Mega Job Fair ang administrasyon ni Mayor Oca noong Pebrero at Abril 2015.
Bukod pa ‘yan sa malilit na job fair na ginagawa tuwing People’s Day sa Caloocan South at Biyernes naman sa Caloocan North.
Hindi rin kukulangin sa 3,000 residente ang nakatakdang kapanayamin ng 86 kompanya na lumahok sa job fair sa Caloocan South at 73 kompanya naman sa Caloocan North.
At dahil one-stop-shop ang mega job fair, marami rin ang nakapag-apply para sa kanilang SSS, BIR, PhilHealth at iba pang requirements.
Ayon kay Mayor Oca, sisikapin niyang mabigyan ng trabaho ang mga residente sa lungsod upang makatulong na maiangat ang kanilang kabuhayan.
Job well done, Mayor Oca, congratulations!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com