NANAWAGAN si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa kompanyang nangangasiwa sa konstruksiyon ng Phase 1 ng Skyway Stage 3 at Phase 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Expressway para sa mabilis na konstruksiyon ng nasabing proyekto dahil labis na naaapektohan ang mga residente lalo na ‘yung mga nagtatrabaho at mag-aaral sa kanilang lungsod.