Thursday , June 25 2026

Kissing scene nina Sarah at Piolo, itinakas daw kay Mommy Divine

 

UNCUT – ALex Brosas . 

062415 Piolo sarah

NATANONG si Sarah Geronimo about her breakup playlist sa presscon ng movie nila ni Piolo Pascual na The Breakup Playlist.

“’Yung pag-aalaga mo sa emotions mo, na bawat emosyon ay kailangan mong pagdaanan or else mababaliw ka. Ano ka, robot? Kailangan mong pagdaanan ‘yon,” initial na pahayag ni Sarah.

Then, she recalled her past breakup sa kanyang boyfriend na bagamat hindi niya pinangalanan ay alam naman ng lahat na si Rayver Cruz iyon.

“Naalala ko po noong ako ay nasasaktan, magkasama po kami ni Ate Juday (Judy Ann Santos) sa ‘Hating Kapatid’, gumagawa kami ng pelikula.

“Basta ‘yun. May music po, nakalimutan ko na ‘yung music, basta heartbreak song siya. Nilakasan namin ‘yung tugtog. Kumakanta kami (ni Ate Juday), umiiyak ako, ganyan…” kuwento niya.

Ang masakit na bahaging iyon ay “part ng healing process” na kailangan niyang pagdaanan. “Yung alagaan mo ‘yung sakit until mawala,” dagdag pa niya.

Sa tanong kung may kissing scene sila ni Piolo sa The Breakup Playlist ay mapanukso ang sagot ni Sarah.

“Naku, maiinggit kayo,” say niya. Basta, abangan na lang daw at panoorin ang movie na showing sa July 1 para malaman kung mahahalikan nga siya sa labi ni Papa P.

May chikang nakunan na ang kissing scenes nila ni Papa P habang wala sa shooting si Mommy Divine. Ewan kung true ito.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …