Angelica, ‘di magsasawang pasayahin si Lloydie

 

UNCUT – ALex Brosas . 

062615 ogie diaz angelica lloydie
Ogie Diaz, Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz

AYAW paawat nitong sina John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban. Panay kasi ang pagpapatunay nilang hindi pa sila hiwalay.

Magkasama ang dalawa na nag-celebrate ng birthday ni John Lloyd recently. Nag-post pa si Angelica sa kanyang Instagram accounting photo nila ni JohnLloyd with this caption: “I’ll never get tired making you laugh. Happiest birthday my Love”

One of the guests sa birthday party ni John Lloyd si Ogie Diaz at maging siya ay nag-post din ng photo na kasama ang magdyowa na may ganitong caption: “Ako na naman ang nag-adjust sa birthday piging ni JLC. @idan_cruz. Galing pang Zambales Pangako Sa Yo taping si @iamangelicap at balik din. Well, that’s LOVE. #AkoNaNamanAngNagAdjust #AdjustTheWayYouAre #SplitDawEhAnoYan?”