Friday , January 21 2022

Karagdagang pangil sa no arrests on Fridays, Saturdays & Sundays

00 Bulabugin jerry yap jsyNANAWAGAN po tayo sa mga kinauukulan lalo na sa Kamara at Senado na pabilisin ang decriminalization ng libel law na kung hindi tayo nagkakamali ay nakabinbin sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Matagal na po itong nakabinbin.

Kung hindi naman ito agad maide-decriminalize, kailangan pong magkaroon ng batas na nagpapataw ng parusa sa law enforcers na lalalabag sa Department of Justice (DoJ) memorandum na hindi dapat mang-aresto sa mga araw ng Biyernes, Sabado at Linggo  lalo na kung ang kasong kinasasangkutan ay hindi naman karumal-dumal gaya ng Libel.

Ilang mga dating mamamahayag na rin ang nasa Kamara at Senado ngayon pero nalulungkot tayo na hindi gumagalaw ang panukalang batas na napakaraming mambabatas ang co-author.

Importante po sa media practitioner ang batas na ito dahil kung hindi made-decriminalize ang libel patuloy po itong gagamtin na instrumento ng pandarahas sa aming hanay.

Hindi na po ako lalayo ng halimbawa. Naranasan ko na pong maaresto, isang araw ng Linggo, Easter Sunday pa at sa harap mismo ng aking mga anak. Alam kung mali ang ginawang pag-aresto sa akin at kaya kong igiit ang aking karapatan pero iniisip ko nga ang aking mga anak.

Pero nagkaroon ako ng realisasyon na dapat ay iginiit ko dahil mayroong mga alagad ng batas na hindi naiintindihan kung ano ang kanilang ginagawa.

Gaya nga nitong mga umaresto sa akin na pinangungunahan ni Warrat & Subpoenma Section head, S/Insp. Salvador Tangdol.

Noong sinabi kong bawal ang manghuli sa araw ng linggo, aba ‘e sinabi sa akin na nag-comply na raw sila sa ‘requirements.’ Nakipag-coordinate na raw sila sa tanggapan ng isang media organization sa Intramuros.

Ganoon ba ‘yun?

Kapag nakipag-coordinate na sa media organization ‘e pwede nang hulihin ang mamamahayag na may kasong libel kahit araw ng Biyernes, Sabado at Linggo?!

Kapag napatunayang lumabag ang mga law enforcers, ganoon lang?! Wala kaparusahan ang paglabag?!

Isa ‘yan sa dahilan ng pang-aabuso sa sitwasyon. Dahil walang deterrent sa nasabing paglabag, paulit-ulit nilang ginagawa.

Pero kung magkakaroon ng batas na nagpaparusa sa ginawang paglabag sa Memorandum ng DOJ tiyak kahit paano, mababawasan ang pandarahas sa mga mamamahayag.

Anong ahensiya o sangay kaya ng pamahalaan ang unang aaksiyon pabor sa mungkahi nating ito?!

Paging DOJ!

Paging Senate and House of Representatives!

Bagong love team sa Bureau of Immigration 

NITONG Semana Santa, dahil long holiday,  maraming celebrities ang nagpunta kung saan-saang exclusive resort. Mayroon din naglabasan ng bansa  habang ang iba naman ay nagsipunta sa kani-kanilang rest house.

Pero bago mag-Semana Santa, namataan ng ilang bubwit natin ang very very sweet na lovebirds ngayon d’yan sa Rockwell mall sa Makati City.

Hindi na natin iba-blind item, kasi mukhang open na open naman ang relationship nila in public.

‘Yung gentleman ay walang iba kundi ang kagalang-galang na  Immigration Commissioner Siegfred Mison habang ‘yung sexy lady ay walang iba kundi ang actress/TV host na si Ms. Valerie Concepcion.

Namataan silang nakapila sa isang food counter, na tila bumibili ng ‘kutkutin’ as in sitserya & drinks dahil mukhang manonood sila ng movie.

Wow, mukhang magkasundo si Commissioner Mison at si single-mom actress Ms. Valerie sa panonood ng movie. Kumbaga pareho sila ng taste.

E ‘di ba sa mag-partner ‘yan ang mahirap pagkasunduin? Ang hilig kasi naming boys ‘e action, comedy or suspense thriller habang ‘yung mga girl ang type ‘e romance, horror and drama.

Anong genre kaya ng pelikula ang pinagkakasunduan nina Commissioner and Ms. Valerie?

O baka naman nagtititigan, nagbubulungan at naghihipuan ‘este naghahawakan lang sila sa dilim?

I-share n’yo naman ang napanood ninyo sa amin.

Anyway, ano man iyon, ang gusto nating malaman ‘e saan kaya nag-phase 2 ang mag-wizhart!?

Payong kaibigan lang, hinay-hinay lang Commissioner Mison dahil mukhang sing-edad na halos  ng anak mo si Ms. Valerie, baka mahirapan ka nang humabol?

Kunsabagay panay naman daw ang basketball shoot & dribble mo ‘e, ‘di ba?

Mukhang naniniwala ka kasi sa kasabihang, practice makes perfect.

Saan man umabot ang espesyal na pagti-tinginan ninyo ‘e I wish you endless love.

Advance congratulations and best wishes, Commissioner Mison & Ms. Valerie!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Sino ka?

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. MARAMING umaangkin sa karangalan na masabi na sila’y …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mag-isip-isip ‘outside the vaxx’

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAHIT paulit-ulit pang itanggi ng gobyerno, hindi mapapasubalian na …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Bakuna o kita na may kaakibat na virus?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PATULOY na lumolobo ang bilang ng mga nahahawaan ng CoVid-19 partikular …

Dragon Lady Amor Virata

Tatlong panibagong variant… tama na

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HIRAP na dinaranas ngayon ng ating bansa, mahihirapan …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Untouchable sa Palasyo

PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago ang kalakaran ng paggamit ng impluwensyang kalakip ng puwesto …

Leave a Reply