‘Sextortion’ inupakan ni de Lima

FRONTNAGBABALA ang Department of Justice (DoJ) sa publiko lalo na sa mga palaging gumagamit ng internet na iwasan ang “sextortion.”

Ang walong pahinang babala na ipinalabas ng DoJ sa pamamagitan ni Secretary Leila De Lima, ay bunsod ng dami ng mga reklamo na kanilang natatangap.

Paliwanag niya, ang “sextortion” ay isang uri ng pagpapalabas sa publiko ng mga larawan ng kanilang bibiktimahin lalo na ang maseselang larawan, at gagamitin itong pang-blackmail o panakot para makahingi ng pera sa mga biktima.

Malaki ang paniniwala ni De Lima na ang uri ng cybercrime na ito ay isang malaking sindikato na patuloy nang binabantayan ng iba’t ibang mga ahensya dahil sa pagdami ng kanilang mga nabibikitma.

Magugunitang minsan nang nabiktima ang Justice Secretary ng bantang paglalabas umano ng isang video na makasisira sa kanyang reputasyon.