Brgy. treasurer utas sa tarak ng kawatan

112514 deadPATAY ang isang 39-anyos polio victim na barangay treasurer makaraan saksakin ng magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang kaibigan na si Sarah Torres, ang biktimang si Arlene Mediavilla, treasurer ng Brgy. 390, Zone 40, District 3, at residente ng 913 R. Hidalgo St., Quiapo, Maynila, dakong 9:45 p.m.

Ayon sa ulat, pinuntahan ni Torres ang biktima sa kanyang bahay para makipagkwetuhan at nang buksan ang pintuan ay nakitang nakahandusay ang duguang biktima.

Nakakalat ang mga gamit ng biktima palatandaan na nilooban ang bahay ng treasurer bago siya pinaslang.

Leonard Basilio