Thursday , June 4 2026

Mister, kabit ipinakulong ni misis

080814 adultery

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang lalaki at ang sinasabing kanyang kalaguyo makaraan ireklamo ng kanyang misis sa pulisya sa Lucban, Quezon.

Nabatid na dinadala ng 32-anyos mister ang kanyang 23-anyos kalaguyo sa kanilang bahay nang makailang beses kahit naroroon ang tunay niyang misis na si Ana, 27-anyos.

Madalas ay doon natutulog ang babae at siyang katabi ni mister sa kanilang kwarto.

Dahil sa labis na sama ng loob, hindi na nakatiis pa ang biktima kaya nagsuplong na sa pulisya.

Agad tinungo ng PNP ang bahay ng biktima at nadatnan ang mister at ang kanyang babae na magkatabing natutulog sa kwarto.

Bunsod nito, hinuli ng mga pulis ang dalawa at ikinulong.

Desidido siAna na ituloy ang kasong paglabag sa RA 9262 at concubinage sa mga suspek.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …