Thursday , June 4 2026

Bebot todas sa tingga

083014 gun manila ncr

PATAY ang isang babae makaraan barilin ng isa sa tatlong hindi nakilalang suspek habang naglalakad sa madilim na eskinita sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Marielle Jurado, alyas Ella, 34, residente ng Block 10, Pama Sawata, Brgy. 28 ng nasabing lungsod.

Habang pinaghahanap ang tatlong hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni SPO2 Joselito Barredo, dakong 8:30 p.m. kamakalawa nang maganap ang insidente sa Labahita Extension, Brgy. 14 ng lungsod.

Naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan ng tatlong lalaking armado ng baril at isa ang biglang pinaputukan si Jurado na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Hinala ng pulisya, maaaring may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo sa pagpatay dahil nagkalat sa lugar ang mga tulak ng shabu. (ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …