P25-M shabu kompiskado sa Cotabato

080614 drugs shabu arrestTINATAYANG aabot sa dalawang kilo ng hininihalang shabu ang nakompiska ng mga awtoridad sa raid sa Brgy. Ambalgan, Sto. Nino, Cotabato nitong Miyerkoles. 

Tinatayang nasa P25 milyon ang street value ng nakuhang droga. 

Ngunit nakatakas ang target na si Johnny Mantawil at asawang si Fatima, ilang minuto bago sumalakay ang mga awtoridad sa kanilang bahay. 

Narekober din mula sa tahanan ng mga Mantawil ang isang kalibre .45 baril at ilang bala. 

Dagdag ng pulisya, talamak ang kalakalan ng bawal na gamot sa Brgy. Ambalgan at may mga supplier si Mantawil mula sa Maguindanao at Sarangani.

Nitong Enero lamang, nakompiska rin sa barangay ang P1.3 milyong halaga ng shabu.