Saturday , August 13 2022

Manyak tiklo sa panghihipo  (‘Di napigil sa panggigigil)  

101614 rape girl abusedARESTADO ang isang manyakis makaraan ireklamo ng pagyakap at panghihipo sa isang babae, at pambubugbog ng isang lalaki sa computer shop sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng suspek na kinilalang si Joshua Rodriguez, 21, residente ng Purok 6, Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at physical injuries. Salaysay ng biktimang si Jane, 20, naganap ang insidente dakong 8:30 p.m. sa People’s Village, Dulong Hernandez St., ng nasabing barangay.

Ayon sa biktima, nakikipagkuwentohan siya sa kanyang mga kaibigan nang mapadaan ang suspek at isa pang kasama nang bigla na lamang siyang niyakap at pinaghihipuan sa maselang parte ng kanyang katawan.

Ngunit lumaban ang biktima hanggang sa umalis ang suspek. Gayonman, makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang suspek ngunit nang hindi makita ang babae ay biglang binugbog si Pablo Bachica, Jr., 28, naninirahan din sa naturang lugar.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply