This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KASONG kidnapping ang isinampa sa Taguig City Prosecutors Office kahapon sa babaeng nagnakaw sa isang bagong silang na sanggol sa isang ospital kamakailan.
Ayon kay Chief Inspector Benito Basilio, hepe ng Criminal Investigation Division, sinampahan nila ng kasong kidnapping ang suspek na si Roseman Mañalac, 24-anyos.
Si Mañalac ang dumukot sa sanggol na si Baby Francis John, anak ng mag-asawang sina Cherry at Johnerel Bacailo noong Pebrero 12, dakong 9:25 p.m. sa Taguig-Pateros District Hospital.
Kamakailan, naaresto si Mañalac sa follow-up operation ng Taguig City Police, dakong 9 p.m. sa kanyang bahay sa Aguahan Dos, Brgy. Bagumbayan, Taguig City.
Ayon sa kuwento ni Cherry, ilang oras makaraan niyang ipanganak ang sanggol at habang katabi niya sa higaan, isang babaeng nagpakilalang taga-social welfare office ang lumapit sa kanya.
Naka-ID ang babae at nagpakilalang siya ay si Ms. Lily at maayos na nakipag-usap at nagpaliwanag ukol sa mga bagong patakaran ng DSWD ukol sa pagbibigay ng discount.
Umalis ang babae sandali at muling bumalik saka kinuha ang kanyang anak dahil naka-schedule para sa new born screening hanggang tuluyang tinangay ang sanggol.