Monday , August 8 2022

Serial holdaper/rapist todas sa pag-agaw ng baril

112514 deadPATAY makaraan mang-agaw ng baril ang suspek sa serye ng panghoholdap at panggagahasa sa walong establisimento sa Quezon City at pagpatay sa isang Koreana. 

Pasado 11 p.m. nitong Lunes, katatapos lang ng ikatlong inquest proceedings sa mga kaso laban sa suspek na si Mark Soque nang bigla niyang agawin ang baril ng lady cop na si PO3 Juvy Jumuad, isa sa mga escort niya sa loob ng fiscal’s office.

Dalawang putok ang narinig at muntik pang tumama ang una kay Jumuad. 

Tinamaan ng bala si Soque sa baba na agad niyang ikinamatay.

Walang ibang nadamay dahil walang tao noon sa piskalya.

Hinala ni Chief Insp. Rodel Marcelo, CIDU chief, nawala sa katinuan ang suspek lalo’t wala na siyang kawala sa mga kasong kinahaharap niya.

Matatandaan, sa mga pag-atake ni Soque sa iba’t ibang business establishments, pinaghuhubad at iginagapos ang mga biktima habang napatay niya ang Koreana na si Mi Kyu Park, at dalawang biktima ang kanyang hinalay.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa isa pang suspek na sinasabing kasama ni Soque sa pagsasagawa ng krimen.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …

Leave a Reply