Wednesday , August 10 2022

Lolo tiklo sa anti-drug ops sa Pasay

100814 shabu drugsBUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drug-Station Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Pasay City Police ang isang 65-anyos lolo na nasa top ten drug personality, sa anti-drug operation kamakalawa sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City Police  Officer-In-Charge (OIC), Sr. Supt. Sidney Sultan Hernia ang suspek na si Francisco Navor alyas Batito, ng 505 Edang St., Zone 16, Brgy. 153 ng lungsod.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa pag-iingat ng suspek ang isang plastic sachet na hinihinalang shabu.

Ayon kay Sr. Supt. Hernia, dakong 4:30 p.m. nang masakote si Navor sa anti-drug operation na ilunsad ng Pasay Police makaraan makatanggap ng impormasyon kaugnay sa ilegal na operasyon ng suspek.

Nakapiit na ang suspek sa Pasay City Police detention cell at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act) sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Jaja Garcia

British drug dealer timbog sa NBI

ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang British drug dealer na nahaharap sa sampung-taon pagkakakulong sa United Kingdom dahil sa mga kaso ng paglabag sa bawal na droga.

Kasama ni NBI Director Virgilio Mendez sa pagharap sa media kahapon si Deputy of Head of Mission of the British Embasssy in Manila Trevor Lewis, at mga miyembro ng West Yorkshire Police Services Organized Crime Unit na sina Detective Sergeant Carl Calvin, at Detective Constable Jan Greenwood.

Kinilala ang suspek na si John Holiday, 33, naka-takdang ibalik sa UK sa Huwebes kasama ang dalawang British police.

Base sa rekord na ibinigay ng British Embassy sa NBI,  si Holiday ay sinentensiyahan ng Crown Court of Leeds sa mga kasong paglabag sa Section 170 ng Customs and Excise Ma-nagement Act of 1970, at Conspiracy To Supply Controlled Drug Class B Cathinone Derivative na paglabag sa Section 4 o Misuse Drug Act of 1971.

“He imported drugs from China, India and other countries in Asia and sell it in small amount in our country… per gram it is  thirty pounds or an equivalent of 30 to forty US dollars. There are 20 people members, they are not connected with the international drug syndicate,” paliwanag ni Detective Sergeant Carl Calvin sa mga reporter.

Sampung taon ang parusang inihatol kay Holiday ngunit bago maipataw ang sentensiya ng korte, tumakas  siya  at nagtungo sa Filipinas noong Setyembre 2013.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy …

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila …

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Leave a Reply