Oil price hike dapat tanggapin ng publiko — Palasyo  

080414 Oil price hikeDAPAT ay tanggap na ng publiko ang realidad na pagtaas at pagbaba  ng  presyo ng produktong petrolyo dahil dalawang dekada nang umiiral ang ganitong uri ng sistema, ayon sa Palasyo.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi na dapat nakararamdam ng pag-aalala o pamomroblema  ang mga motorista at transport group sa tuwing may nakaambang pagtaas sa presyo ng langis at produktong petrolyo.

Katuwiran niya, dalawang dekada nang binago ang sistema sa pagtatakda ng presyo bukod pa sa ito ay market driven.

Aniya, dumarating rin ang pagkakataon  bumababa ang presyo ng langis.

Matagal nang inamin ng gobyerno na tali ang kanilang kamay at walang magagawa sa pagtaas ng presyo ng langis dahil deregulated na ang sistema sa pagtatakda ng presyo nito.

Rose Novenario