PATAY ang apat na magkakamag-anak, kabilang ang isang buntis, sa sunog sa Merville Access Road sa Pasay City kahapon.
Pasado 9 a.m. nang marekober ang magkakapatong na labi nina Nida Lacaimat, 49; anak niyang si Ramil, 25; buntis na manugang na si Danna Mente, 20; at apong si Cindy Pacayun, 10-anyos.
Ayon sa ulat, nahulog sa creek ang apat makaraan matupok ang kanilang bahay sa Barangay 201.
Tinatayang naabo ang nasa P1.5 milyong halaga ng ari-arian habang nawalan ng tirahan ang nasa 900 pamilya na pansamantalang nananatili sa kalapit na gym.
Nangako ang lokal na pamahalaan ng Pasay City na tutulungan ang mga biktima.
Dakong 8 a.m. nang maapula ang apoy.
Tuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.