Friday , March 24 2023

P11-B Pacman-Floyd mega fight tuloy na

FRONTUMAABOT ng halos P11 bilyon ang premyo sa mega fight nina eight division world champion Manny Pacquiao at undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.

Ayon sa source ng telegraph.co.uk na malapit sa Filipino ring icon, nagkasundo na sina Pacman at Mayweather sa $250 million mega fight na maaaring mangyayari sa Mayo 2, 2015.

Katunayan, sinasabing nakalagda na si Pacman sa kontrata habang hinihinay na lamang si Floyd at inaasahan na i-aanunsyo ito ng American boxer kasabay ng NBA All-Star Game tip-off, sa Madison Square Garden.

“Manny has 100 percent signed his side of the deal… It is now over to Mayweather to close the deal and announce the fight,” ayon sa telegraph.co.uk.

Una nang sinabi ni Pacquiao, tumawag sa kanya si Floyd, noong Pebrero 9 at maganda ang kanilang napag-usapan. Tumangging magbigay ng detalye ang Filipino ring icon hinggil sa pinaplantsang mega-fight.

Giit ni Pacquiao, hintayin na lamang ang announcement ngayong linggo.

Kinompirma niyang “positive” ang much-awaited showdown ngayong taon.

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply