Brodkaster todas sa ambush (Niratrat sa harap ng radio station)

FRONTBINAWIAN ng buhay ang anchorman ng DRYD-AM station na nakabase sa Tagbilaran City, Bohol makaraan barilin sa harapan ng himpilan dakong 10:45 a.m. kahapon.

Iniulat ni Supt. Renato Dugan, spokesman ng PNP Region-7, may isang suspek ang lumapit kay Engr. Maurito Lim at siya ay binaril.

Agad isinugod si Lim sa ospital sa siyudad ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Si Lim na isang retired Napocor official ay may programa sa DYRD tuwing Sabado na โ€œChairman Mao On Boardโ€ at tuwing Linggo ng gabi na tinaguriang โ€œBanikanhong Haranista.โ€

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente kung may kinalaman ang krimen sa kanyang programa, sa kanyang negosyo o iba pa.

May mga impormasyon na nasa loob pa ng kanyang sasakyan ang biktima at papasok na sana sa estasyon nang barilin ng suspek gamit ang .45 pistola.