Saturday , April 27 2024

Villar nanguna sa World Wetlands Day sa LPPCHEA

villar wetlandsPINANGUNAHAN ni Sen. Cynthia Villar ang pagdiriwang ng anibersaryo ng paglagda sa “Convention on Wetlands of International Importance” sa pama-magitan ng paglilinis  sa Las Piñas-Paranaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA).

“We are taking part in the celebration to raise public awareness on the value of wetlands and to drum up support for the protection and conservation of the six Ramsar-listed wetlands in the country; only one of them can be found in Metro Manila, which is LPPCHEA,” ani Villar.

Ayon kay Villar, ang pagdiriwang ay isang pagkakataon  upang makatawag ng atensyon kaugnay ng lumalalang kondisyon ng LPPCHEA dahil sa hindi maayos na waste management kaakibat ng pla-nong reklamasyon sa Manila Bay.

“Aside from my frequent visit in LPPCHEA to do clean up and tree-planting activities, students and re-sidents come here every Friday to pick up the trash. Each time we collect a truck-load of waste materials washed ashore from nearby areas,” sabi pa ni Villar.

Idineklarang “protected area” ang 175-hectare na LPPCHEA na nasa baybayin ng Manila Bay sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1412. Ang LPPCHEA ay may 30 ektaryang mangrove forest at bird sanctuary.

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *