Monday , August 15 2022

Hayden Kho, dumating sa puntong nawala ang paniniwala sa Diyos

020615 Healing Galing hayden kho

00 Alam mo na NonieMATAPOS pagdaanan ni Hayden Kho ang pinakamatinding pagsu-bok nang sunod-sunod na naranasan ang mga matitinding unos sa kanyang buhay, aminadong dumating siya sa punto noon na hindi na naniniwala sa Diyos.

“Kung maaalala ninyo noong 2007, noong nangyari ang scandal (sex video), si Hayden Kho was the most ha-ted man in the country. Nasa CNN pa iyong scandal, it was the number one scandal sa Asia.

“And kung maaalala ninyo, halos lahat ng Filipino, gusto yung ulo ko na nakasaksak sa pole at nakasabit, hindi ba? Everyone was really clamoring for my head. Of course, nandyan iyong Senate hearing, andyan yung PMA (Philippine Medical Association), yung pagtanggal sa lisensiya, nandiyan iyong inatake sa puso iyong dad ko,” kuwento ni Hayden nang makapanayam namin sa set ng bagong TV program sa TV5 na pinamagatang Healing Galing sa TV.

Dahil daw sa mga pangyayaring ito kaya nawala ang pananalig niya sa Diyos.

Subalit dahil sa isang insidente ay muling nagbalik-loob siya kay Jesus Christ.

“Last year finally, someone found me. His name is Dr. Ravi Zacharias. May nag-imbita sa akin na um-attend sa isang talk. That time ay hindi ako masyadong interesasdo, kasi, hindi naman ako naniniwala na sa Di-yos. Parang… marami akong tanong na hindi na nasasagot. Kahit ng mga Kristiyano o Katoliko o ng kung sino man.

“Like kunwari, ‘Kung may Diyos, bakit may mga paghihirap? Kung may Diyos, bakit ganito, bakit ganyan? Para saan ang mga batang namamatay?’ Wala, walang sagot iyan, e. So, hindi na ako talaga naniniwala at that time,” saad niya.

“Anyway, pinaunlakan ko iyong paanyaya sa akin. Pagda-ting ko roon, si Dr. Ravi ay dumating din. Hindi naman niya alam na siya pala ang magiging speaker. Naimbitahan lang siya for a birthday party. Iyon pala, siya yung speaker.

“So, na-imagine ninyo ho, mayroong isang lalaki na ayaw makinig (Hayden) at mayroon din isang lalaki na ayaw magsalita (Dr. Ravi) at pinagsama ng Panginoon sa isang setting.”

Sa insidenteng ito raw ay napaiyak si Hayden at nagsimula siya ng panibagong journey para malaman ang tamang daan. “So, pinilit kong alamin ang mga sagot sa mga katanungan ko. Na hindi kayang sagutin ng iba, specially with regards Jesus Christ.

“Para sa akin, kung hindi totoo ang sinasabi ng Bibliya o hindi totoo si Hesus, wala po akong sasayangin na oras para pag-aralan iyan o alamin iyan. Pero sa aking journey, nalaman ko at natutunan ko with full conviction and confidence that Jesus Christ is really Lord and Jesus Christ is really God.

“Simula noon, ibinigay ko na ho ang buhay ko sa Kanya at si-mula noon, doon na ho nagbago automatic on their own ‘yung mga bagay-bagay. Gaya nang sinabi ko, wala ho akong ginawa para i-deserve lahat ng mga dumarating sa buhay ko nga-yon, ng maraming blessings na iyan. Wala ho akong ginawa para ma-deserve iyan. Lahat ng iyan, kumbaga ay regalo lang iyan.

“Kung mayroon akong deserve, dapat iyan ay kaparusahan, dapat ay hirap… ganyan. So, I’m very thankful. Gaya ng sinasabi ko, I don’t take anything for granted, because everything which is given as grace, puwedeng tanggalin sa akin iyan.”

Nang usisain pa namin siya kung nailabas o naiiyak na ba niya ang lahat ng pinagdaanan sa buhay, positibo ang naging tugon ni Hayden.

“Lahat ng past? Palagay ko ay nai-iyak ko nang lahat iyon.”

Ukol naman sa show nila sa Kapatid Network na Healing Galing sa TV, sinabi ni Hayden na nagdalawang-isip siyang tanggapin ito dahil sa naging experience niya sa showbiz.

Pero dahil may koneksiyon sa pagiging doctor niya ang naturang TV program nila ni Dra. Edinell Calvario, tinanggap na rin ito ni Hayden.

“Wholesome naman ang mga kasama ko rito,” nakangi-ting saad niya.

Si Dra. Edinell ay isang eks-perto sa naturopathic medicine. Ang kanilang TV show na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 10 am sa TV5, ay layuning pagsamahin ang Eastern at Wester medical practice na magbibigay ng mga lunas at pamamaraan upang maiwasan ang sakit.

 

 

ni Nonie V. Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …

Valerie Concepcion Family

Anak ni Valerie 17 taon nang ‘di nakikita ang tunay na tatay

MA at PAni Rommel Placente WALANG problema at okey lang kay Valerie Concepcion kahit LDR (long distrance …

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Leave a Reply