Ako poโy senior citizen at ilang taon na rin akong nakatira sa Maynila. Kapag napapadaan ako sa mga lugar na dati kong pinapasyalan at nilalakaran gaya ng Carriedo, Avenida, Ronquillo, Evangelista at C.M. Recto malaki ang aking panghihinayangan. Napakadungis ng Maynila ngayon. Napakaangos. Bawat kanto ay may makikita kang marurungis na bata kasama ang kanilang mga magulang na laging may sinisinghot na rugby. Sa gabi naman, ang lahat ng bangketa sa mga kalyeng nabanggit ko ay maraming natutulog, pami-pamilya. Ang tolda sa Avenida ay hindi tindahan lang kundi ginawang tirahan. Kaya napakabaho na rin ng Avenida. Ganito na ba talaga ang mukha ng Maynila?! Kailangan pang pumasok sa loob ng mga Mall na parang nanghoholdap naman sa mahal ng mga bilihin. Kailan kaya muling maibabalik ang ganda at katahimikan ng Maynila Ka Jerry? Mukhang hindi namin ito maaasahan sa ilalim ng administrasyon ni Erap. +63917410 – – –ย