This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
BUTUAN CITY β Isasailalim sa post mortem examination ang bangkay ng isang public school teacher upang malaman kung walang foul play sa kanyang pagkamatay makaraan unang mapaulat na nagpakamatay siya sa mangrove area.
Napag-alaman, natagpuan kamakalawa ng hapon ni Fernando Sotis Mira na nakabitin sa mangroves ng District 2, Brgy. Ata-atahon, bayan ng Nasipit, Agusan del Norte ang biktimang si Jerry Mejia Lamanilao, 29, may asawa at residente sa Digos City, Davao del Sur.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, inihayag ng kaanak na si Atty. Gaudencio Lamanilao, may nervous breakdown ang biktima at isa ito sa tinitingnan na posibleng nag-udyok sa kanya para magpakamatay.