This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KRITIKAL sa pagamutan ang isang 34-anyos lalaki makaraan saksakin ng kanyang ka-jamming sa shabu nang matanaw na kahalikan ng biktima ang kanyang kinakasama kahapon ng umaga sa Navotas City.
Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Segundino Dacoycoy, 34, ng D. Cruz St., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod, sanhi ng saksak sa dibdib at likod.
Habang agad naaresto ang suspek na si Victor Dizon, 34, residente ng A. Cruz St., ng nasabing barangay, nahaharap sa kasong frustrated homicide.
Batay sa ulat ni PO3 Ronnie Garan, dakong 8:30 a.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng suspek sa nasabing lugar.
Nauna rito, magkasama ang biktima at ang suspek sa paggamit ng droga at pagkaraan ay umakyat na sa kanilang bahay si Dizon.
Ngunit natanaw mula sa bintana ng suspek ang kinakasamang si Grace sa ibaba ng bahay na nakikipaghalikan kay Dacoycoy.
Mabilis na bumaba ng bahay ang suspek na armado ng patalim at sinugod ng saksak si Dizon na tinamaan sa dibdib at likod.
Agad naaresto ang suspek makaraan ang insidente habang isinugod ang biktima sa pagamutan.