This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAGA CITY – Pinaghahanap ang 77-anyos lolo makaraan halayin ang kanyang 5-anyos na apo sa Burgos, Quezon kamakalawa.
Nabatid na habang mag-isa ang biktima sa kanilang bahay nang lapitan ng kanyang lolo, inihiga sa kama at hinalay.
Sinabi ng suspek sa biktima na huwag magsusumbong kahit kanino dahil kapag nagsumbong ay papatayin siya.
Umiiyak na dumaing ang biktima sa kanyang ina na masakit ang kanyang pribadong bahagi ng katawan at nang tanungin ay nalaman ang kahalayang ginawa ng kanyang sariling lolo.
Agad dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng biktima ngunit nakatakas na ang suspek.