2 PAF pilots patay sa plane crash sa Batangas

FRONTKINOMPIRMA ng Philippine Air Force na dalawa sa kanilang mga piloto ang namatay sa pagbagsak ng isang trainer aircraft sa Nasugbu, Batangas kahapon ng umaga.

Ayon kay Air Force spokesman Lt. Col. Ernesto Canaya, bumagsak ang SF-260FH Nr. 1034 sa layong 300 meters sa baybayin ng Brgy. Bucana ng nasa-bing bayan.

Umalis ng Fernando Air Base sa Lipa City ang eroplano bandang alas 9:07 a.m. upang sumali sa 3-aircraft formation training mission. 

Nang ma-recover ay agad dinala ang mga labi ng dalawang piloto sa Villamor Air Base.

Itinanggi na munang pangalanan ang mga biktima dahil hindi pa naiimpormahan ang pamil-ya.

Kahapon ipinagdiwang ang ika-70 Liberation Day ng Nasugbo.