Friday , May 3 2024

Monthly Archives: January 2015

Laborer kritikal sa backhoe clearing ops

LEGAZPI CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang isang construction worker makaraan mabagsakan sa ulo ng arm boom ng backhoe sa San Miguel sa Catanduanes. Kinilala ang biktimang si Elmer Matienzo Alcantara, 27, ng Brgy. Cavinitan sa nasabing lalawigan. Ayon sa mga awtoridad, abala ang biktima kasama ang iba pang trabahador sa isinasagawa nilang clearing operation sa kabi-kabilang landslide sa …

Read More »

5-anyos pinatay sa asin

ni Tracy Cabrera NAGSIMULA kamakailan ang hindi kapani-paniwala’t nakalulungkot na kaso ng murder na dahan-dahang pinatay ng isang ina ang kanyang 5-taon-gulang anak sa pamamagitan ng asin at idinokumento pa ang unti-unti pagkamatay ng bata sa social media. Kinasuhan si Lacey Spears, 27, ng Scottsville, Kentucky, na nagpresinta ng online sa kanyang sarili bilang debotong ina, ng ‘depraved murder’ at …

Read More »

Amazing: Lego braille printer naimbento ng binatilyo  

PINANINIWALAANG ang isang 13-anyos American boy ang pinakabatang entrepreneur na tumanggap ng venture capital makaraan maimbento niya ang Braille printer gamit ang Lego. Bilang patunay na ang Silicon Valley wonder kids ay pabata nang pabata, nakaisip ng ideya si Shubham Banerjee makaraan itanong sa kanyang mga magulang kung paano nakababasa ang mga bulag. Ipinayo ng mga magulang sa California eight-grader …

Read More »

Feng Shui: Magbuo ng spiritual environment

ni Lady Choi ANG wastong chi sa inyong bahay ay makatutulong sa iyo sa pakikitungo sa iyong deepest spiritual chi, na tumatakbo sa iyong chakras. Kasabay nito, sa pamamagitan ng pag-access sa iyong deepest chi at pag-project nito sa inyong bahay, mapupuno mo ito ng uri ng enerhiya upang maramdaman ang pagiging spiritual sa bawa’t pag-uwi mo sa bahay. Ang …

Read More »

Ang Zodiac Mo (Jan. 28, 2015)

ni Lady Dee Aries (March 21 – April 19) Hindi mo mahulaan kung paano sila magre-react sa iyong exciting news. Maghanda sa posibleng mangyari. Taurus (April 20 – May 20) Kung hindi ka nasisiyahan sa inyong tahanan, gumawa ng paraan para maayos ito. Gemini (May 21 – June 20) Sa iyong hindi intensyong selfish act ay lalong madaragdagan ang respeto …

Read More »

It’s Joke Time: Bakit malIit si Gloria?

Erap: Bakit maliit si Gloria? Jinggoy: ‘Di ko alam e, bakit nga ba? Erap: Kasi maaga sya naulila! Jinggoy: Ha? Erap: Oo, maaga siya naulila kaya walang nagpalaki sa kanya! *** Baka Madamay Kapag may problema ka, tandaan mo… nandito lang ako. Nandito lang talaga ako. Tapos, diyan ka lang… huwag kang pupunta rito! Baka madamay ako!  

Read More »

Mga maikling-maikling kwento: Dangal

Matagal nang tulo-laway sa kaseksihan ni Vanessa ang kapit-kuwarto niyang si Loloy. Kita niya sa mga mata nito ang ma-sidhing pagnanasa sa kanyang katawan. Laging nakabantay sa bawa’t mga pagkilos niya. Alam niya na madalas siyang pagpantasyahan ng binatang tricycle boy dahil manipis na plywood lang ang pagitan ng kanilang mga silid, at hindi miminsan niyang nahuli sa aktong binobosohan …

Read More »

Oh, My Papa (Part 36)

NAGLAKAS-LOOB AKONG HUMINGI NG TAWAD KAY NANAY DONATA “Pakitingnan-tingnan silang dalawa, iho…” ang paghahabilin sa akin kina Inay at Itay ni Ka Dong. “O-opo…” tango ko sa matandang lalaki. Ginising ako sa higaan ng mga naghaharurutang traysikel na pupugak-pugak ang tambutso sa kalye. Malakas na ang saboy ng liwanag ng araw sa labas ng aming bahay. Tanghali na pala. Sumaisip …

Read More »

Amir Khan nais si Pacman

Kinalap ni Tracy Cabrera IBINUNYAG kamakailan ng British welterweight na si Amir Khan ang posibilidad na makaharap niya sa ibabaw ng ring ang kaibigan niyang si Manny Pacquiao matapos makapulong ang dating sparring partner nitong nakaraang linggo. Nagsanay si Khan kasama si Pacquiao nang ilang taon sa ilalim ng kanyang mentor na si Freddie Roach at sinabi niya dati na …

Read More »

EAC kampeon sa NCAA Men’s Volleyball

ni James Ty III NAKUHA ng Emilio Aguinaldo College ang kaunaunahang titulo sa men’s volleyball ng NCAA Season 90 pagkatapos na padapain nito ang College of St. Benilde, 25-21 23-25, 25-19, 25-20, noong Lunes sa Game 3 ng finals sa Filoil Flying V Arena sa San Juan. Humataw si Howard Mojica ng 28 puntos upang dalhin ang Generals sa ikalawang sunod …

Read More »

Alapag hinirang na komisyuner ng FIBA

ni James Ty III ISINAMA ng world governing body ng basketball sa mundo na FIBA ang kareretiro lang na point guard ng Gilas Pilipinas at Talk n Text na si Jimmy Alapag sa Players’ Commission hanggang sa taong 2019. Ang nasabing komisyon ay pinangungunahan ng dating sentro ng NBA na si Vlade Divac. Naunang itinalaga ng FIBA ang pangulo ng Samahang …

Read More »

Sentro ng Purefoods sinuspinde

ni James Ty III PINATAWAN ng PBA ng dalawang larong suspensiyon ang sentro ng Purefoods Star Hotdog na si Yousef Taha dahil sa kanyang pagsuntok kay Rain or Shine import Rick Jackson sa tune-up game ng dalawang koponan noong Biyernes sa Ronac Gym sa San Juan. Bukod pa rito ay pinagmulta si Taha ng P60,000. Anim na beses na sinuntok ni …

Read More »

Osorio, Jaro dinomina ang PSE Bull Run

ni HENRY T. VARGAS DINOMINA kahapon ng mga bagong sibol na mananakbong Batang USTe na si Gregg Vincent Osorio at ng pinagmamalaking stalwart ng Davao City na si Celle Rose Jaro ang tampok na 21-kilometrong 11th Philippine Stock Exchange (PSE) Bull Run sa palibot ng Bonifacio Global City, Lungsod ng Taguig kamakalawa. Solo-katawang tinawid ng 21 anyos na Aklanong si …

Read More »

Sharon, kompirmado nang tatakbo sa Pasay!

ni RONNIE CARRASCO CONFIRMED: tatakbong mayor ng Pasay City si Sharon Cuneta. A registered voter myself ng naturang siyudad, ang kompirmasyong ito ay mismong nanggaling sa dapat sana’y nasa likod ng kandidatura ni Sharon until ang old reliable (by this we mean, takbo nang takbo, pero lagi namang talo!) is trying her luck again at the mayoral post. Sey ng …

Read More »

Angelica, nagpaparamdam na raw na gusto nang magpakasal; Lloydie, deadma lang

ni ROMMEL PLACENTE NAIINGGIT pala si Angelica Panganiban sa kanyang kaibigang si John Prats dahil engaged na ito at malapit nang ikasal kay Isabel Oli. Gusto na rin niyang maging engage sila ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz. Natatawa niyang ikinuwento sa interview niya sa Aquino & Abunda Tonight, na minsan daw ay nagpapapansin siya kay Lloydie. Sinusukat daw …

Read More »

Ate Guy, sumikip ang dibdib kaya ‘di na-meet si Pope Francis

ni Roland Lerum HANGGANG ngayon, hindi pa rin daw malilimutan ng mga celebrity na nagkaroon ng pagkakataon na makaharap si Pope Francis ang pambihirang karanasan na makausap o makaharap nang malapitan ang ikalawang tao na sunod kay Jesus Christ. Si Kris Aquino ay nakipagkwentuhan pa kay Pope Francis nang ipagmalaki niya ang rosary na ibinigay nito kay Bimby nang magpunta …

Read More »

Maja, pinagselosan daw ni Julia

ni VIR GONZALES NAKATULONG sa isang banda ang pagkalat ng malaking nabalita noon na buntis si Julia Montes. Hindi ito totoo, dahil may bagong drama sa TV katambal si Gerald Andrson. Balitang sweet sina Julia at Gerald, bagay na ikinababahala kung magseselos ba si Maja Salvador. Malinaw namang sinabi noon ni Julia, ayaw niyang ma-link sa kapwa artista. Hindi nga …

Read More »

Pagiging playboy ni James, pinaninindigan na

  ni Alex Brosas AYAW pa ring paawat ni James Reid. Wala pa rin siyang pakialam kung maging topic man sa social media ang photo niya kasama ang isang non-showbiz girl. Una, nakita silang magkayakap at hinalikan pa niya ang girl. Now, mayroong g lumabas na photo na magkasama silang dalawa together with Bret Jackson and Andi Eigenmann. Nasa poolside …

Read More »

Pagpapaganda ng Escolta at MET, kailan kaya tutuparin ni Erap?

ni Vir Gonzales NAGBUBUNYI ang buong showbiz sa panalo ni President Mayor Erap Estrada sa pananatili niya bilang Mayor ng Maynila. Mahirap talaga siyang ilaglag dahil inihalal ng taumbayan. Sana lang matupad pa ang pangako niyang pagagandahin ang Escolta, na dating lugar ng mga taga-showbiz. At ituloy din niya ang nauntol na pagpapaayos ng Metropolitan Theater sa Lawton.  

Read More »

Valentine concert ni Jen, tiyak na dudumugin

ni Vir Gonzales MAGKAKAROON ng Valentine Concert ngayong February ang pinaka-seksing showbiz star of today, Jennylyn Mercado. Tiyak na dudumugin ng mga kalalakihan ang show ni Jen. May karapatan namang mag-show si Jen, dahil isa siyang singer sa Café de Malate noong araw, noong hindi pa nananalo sa Starstruck. Si Mr. Bobby Velasco, ang may-ari ng Café de Malate. Balitang …

Read More »

MMK ni Ate Guy, kailan kaya matutuloy?

ni Vir Gonzales SANA matuloy na ang planong MMK ng Superstar Nora Aunor. Matagal-tagal na ring gusto siyang mapanood ng mga tagahanga sa isang teleseryeng may kalidad at mahirap makalimutan. May naka-usap nga kaming ilang artista, para raw incomplete ang pag-aartista kapag hindi ka pa nakalabs sa programang MMK ni Ms. Charo Santos. Puro naman kuwento ‘yung iba na may …

Read More »