Ang Zodiac Mo (Jan. 28, 2015)

ni Lady Dee

00 zodiac

Aries (March 21 – April 19) Hindi mo mahulaan kung paano sila magre-react sa iyong exciting news. Maghanda sa posibleng mangyari.

Taurus (April 20 – May 20) Kung hindi ka nasisiyahan sa inyong tahanan, gumawa ng paraan para maayos ito.

Gemini (May 21 – June 20) Sa iyong hindi intensyong selfish act ay lalong madaragdagan ang respeto sa iyo ng iba.

Cancer (June 21 – July 22) Ang high energy ay hindi palaging nagdudulot ng high success rate. Huwag paaapekto rito.

Leo (July 23 – August 22) Ang iyong pinakamatinding hinahangad ay palapit na sa reyalidad ngayon, kaya tingnan kung maaari kang pakinggan ng iyong mate, boss o sino man sa iyong nais ipahayag.

Virgo (August 23 – September 22) Tandaan, palagi kang maka-aasa ng suporta mula sa iyong mga kaibigan. Nakahanda sila at naghihintay lamang.

Libra (September 23 – October 22) Iyuko lamang ang ulo, at hindi ka madi-distract ng dramang mangyayari ngayon.

Scorpio (October 23 – November 21) Sa deep conversation, hahantong ka sa deep connections ngayon. Huwag matakot magpakatotoo.

Sagittarius (November 22 – December 21) Ang lahat ng enerhiya mula sa iyong loob ay kakaiba ngayon, kaya asahan ang conflicted feelings.

Capricorn (December 22 – January 19) Kung maganda ang pagbabago, bakit napakahalagang manatili pa rin sa dati ang ilang mga bagay ngayon.

Aquarius (January 20 – February 18) Tumanggap nang higit pang responsibilidad. May panahon ka at ikaw ay lalago sa mga hamon.

Pisces (February 19 – March 20) Kung magsusumikap kang maging entertaining, lalabas ito. Maging komportable sa katahimikan.

Serpentarius (Ophiuchus)Perpekto ang araw ngayon sa pananatili – manatili sa isang lokasyon, hangga’t maaari.