This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NABULABOG ang Manila Police District (MPD) Station 7 sa Jose Abad Santos nang sumabog sa tapat nito ang isang granada dakong 4 a.m. kahapon.
Pagkaraan ay natagpuan ang isa pang granada sa ilalim ng isang sasakyan sa parking lot ng MPD Station 7.
Agad nagresponde ang mga miyembro ng MPD Bomb Squad.
Ipinasara nila ang kalsada saka pinalibutan ng mga nakasakong semento ang naturang granada.Β At sinadya itong pasabugin sa pamamagitan ng water disruptor.
Walang nasaktan sa pagsabog ng dalawang granada.
Ayon kay PO3 Amerson Ortega ng nasabing istasyon, tinutukoy pa nila ang motibo sa pagpapasabog at pag-iwan ng isa pang granada sa lugar.