This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
TINAWAG na “walang puso at habag” ng isang mambabatas si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III makaraan dedmahin ang honor ceremony para sa mga bayaning SAF members na minasaker sa Mamasapano, Maguindanao.
Ito ang mga binitiwang salita sa HATAW ni Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap nang isnabin ng Pangulo ang pagsalubong sa mga bayaning pulis na lumapag sa Villamor Airbase.
Imbes dumalo si PNoy sa nasabing parangal, ninais niyang pumunta sa launching ng isang car plant sa Sta. Rosa, Laguna.
Bira rin ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, walang respeto sa kanyang mga tauhan si PNoy na siya pa namang commander-in-chief.
“The president’s absence in today’s ceremony only heightens the people’s disgust in this spineless leader who let his own men go to battle for the sake of his own vanity, only to disown the whole plan and deny accountability in the end,” upak ni Rep. Ridon.
Tinawag naman ni Rep. Luz Ilagan si PNoy na ibang klaseng presidente dahil mas mahalaga pa raw sa kanya ang kotse kaysa tao, mas mahalaga ang kabarilan kaysa nabaril at mas inuna ang hobby kaysa duty.