Thursday , December 1 2022

Ochoa, Purisima pinahaharap sa Kamara

ochoa purisimaISINUSULONG sa Kamara na paharapin sina Executive Sec. Paquito Ochoa at ang suspendidong PNP chief na si Allan Purisima para pagpaliwanagin kaugnay ng operasyon ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang source na totoong ang operasyon ng SAF laban sa teroristang si Marwan ay plinano at pinondohan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na pinamumunuan ni Ochoa.

Ang inalis na direktor ng SAF na si Getulio Napenas ay direktang nagre-report kay Purisima habang ang suspendidong PNP chief ay nagre-report kay Pangulong Benigno Aquino III sa takbo ng top secret operation.

Ito aniya ang dahilan kung bakit sinibak ni DILG Sec. Mar Roxas si Napenas dahil hindi sinunod ang chain of command.

Si Roxas at PNP OIC Leonardo Espina ay kapwa walang kaalam-alam sa naging operasyon ng SAF.

Maging ang ibang mambabatas ay pabor sa pagpapaharap kay Purisima upang tuluyang malinawan ang pangyayari.

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa Bicol nasakote sa Pasig

NADAKIP sa lungsod ng Pasig ang isang 48-anyos lalaking wanted sa kasong pamamaslang sa kanyang …

road accident

Bumangga sa barrier
11 PULIS SUGATAN SA TUMAOB NA PATROL CAR

SUGATAN ang 11 pulis nang sumalpok ang kanilang patrol car sa isang concrete barrier saka …

Bukidnon PPO Police PNP

Sa Bukidon
4 PATAY, 2 PA SUGATAN SA ALITAN SA LUPAIN

PATAY ang apat katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng barilan at …

dead gun police

Aresto nauwi sa enkuwentro, 2 suspek todas, 2 pulis sugatan,

TODAS ang dalawang miyembro ng isang criminal gang habang naaresto ang apat nilang galamay nang …

paputok firecrackers

Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
PRESYO NG PAPUTOK PATULOY NA TUMATAAS

MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo …

Leave a Reply