This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MAKATUWIRAN para sa Palasyo na ipanghingi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng abuloy ang mga naulilang pamilya ng 44 miyembro ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang matatanggap na donasyon ng DSWD sa binuksan nilang bank account ay ibibigay sa mga pamilya ng napatay na mga pulis sa Mamasapano.
โSila ang may mandato na gampanan ang tungkulin ng pagbibigay kalinga sa mga pamilya at bahagi naman sila ng iisang pambansang pamahalaan. Wala namang dapat ikabahala sa pag-hahati-hati ng tungkulin,โ tugon ni Coloma nang usisain kung bakit sa DSWD at hindi sa PNP ibibigay ng publiko ang donasyon para sa pamilya ng mga pulis.
Sa kanyang Presidentโs Message to the Nation kamakalawa ay umapela ang Pangulo sa publiko na magbigay ng tulong sa mga naulilang pamilya ng mga tinawag niyang mga bayaning pulis na nagbuwis ng buhay para sa serbisyo sa bansa.
โI also take the opportunity to appeal to the public: If possible let us extend our utmost support to the bereaved, and maximize the help we can give to the families of those who fell, in recognition of the valor of these heroes who gave their lives for the realization of the peace we have long desired,โaniya.
Makaraan ang pahayag ng Pangulo ay mabilis na nagbukas ng bank account ang DSWD para sa abuloy, na Landbank of the Philippines (LBP) Account Name: โDSWD-Armed Conflict Mamasapano, Maguindanaoโ LBP Current Account Number (CA) No.: 3122-1026-28.