This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipina ang nasugatan sa pamamaril sa isang hotel sa Tripoli, Libya.
Ayon sa DFA, natamaan ng limang bala ng baril ang biktima ngunit ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.
Hinggil sa impormasyon na dalawa nating kababayan ang namatay sa naturang pag-atake, biniberipika pa ito ng DFA sa Philippine Embassy sa Libya.
Nauna rito, inihayag ng security services spokesman na si Issam al-Naass sa isang panayam na kabilang sa siyam na dayuhang namatay ay isang Amerikano, French, South Korean, at dalawang Filipina.