This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PINAGBABARIL hanggang napatay ang isang 38-anyos negosyante ng tatlong lalaking nagpanggap na kustomer sa Islamic Center, San Miguel, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Agad binawian ng buhay ang biktimang si Pepito Ibrahim, may-ari ng sari-sari store, tubong Maguindanao, residente ng 02-645 Palanca Street, San Miguel.
Habang mabilis na tumakas ang mga suspek na hindi pa nakikilala.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Christian Caparas, dakong 12 a.m. nagpanggap na bibili ang mga suspek sa tindahan ng biktima at biglang pumasok saka limang beses na binaril sa ulo si Ibrahim.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpaslang.