Wednesday , December 7 2022

Bebot todas sa tarak ng BF sa motel

090814 knifePATAY ang isang babae makaraang saksakin ng kanyang kasintahan sa Quezon City kahapon.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Quezon City Medical Center ang biktimang si Vismelyn Jardinel, residente ng Alapan 2B, Imus, Cavite.

Agad naman naaresto ang suspek na si Genaro Manalo, 29, ng Sitio Matiyaga, Balibago, Lobo, Batangas.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD), naganap ang insidente dakong 9:45 a.m. sa Relax Apartelle sa 1128 A. Blvd. cor. EDSA, Brgy. Socorro, Quezon City.

Napag-alaman, nag-check-in ang dalawa sa naturang apartelle at ilang minuto lamang ang nakalipas, narinig na nagtatalo ang magkasintahan.

Pagkaraan ay sumigaw ang biktima dahilan upang pasukin ng mga empleyado ang kwarto kasama ang mga pulis.

Pagpasok sa kwarto, tumambad sa kanila ang duguang katawan ng biktima na may tama ng saksak sa likod.

Hindi pa batid kung ano ang ugat ng pagpaslang ng lalaki sa kanyang nobya.

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

knife saksak

Pera pinagtalunan ng mag-asawa
BABAE KRITIKAL, MISTER PATAY SA SARILING SAKSAK

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos saksakin ang sarili habang sugatan ang kinakasama …

Covid-19

Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang …

Riding-in-tandem

Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM

DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos …

Rodolfo Azurin Jr Sofronio Capitle Jr PNP

Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay

BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis …

MMDA, NCR, Metro Manila

MMDA clearing ops umarangakada na

MAHIGIT 30 sasakyan ang nahuli sa isinagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Leave a Reply