NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang 60-anyos lolo makaharaan halayin ang isang 5-anyos batang babae sa Sipocot, Camarines Sur kamakalawa. Ayon kay PO3 Rowena Lin, nagpunta ang bata sa bahay suspek na malapit lamang sa bahay nila. Dahil walang ibang tao ay sinamantala ng matanda ang pagkakataon at minolestya ang bata. Ngunit lingid sa kaalaman ng suspek ay sinundan pala ng ina ng bata ang kanyang anak at naaktohan ang ginagawang panghahalay sa biktima. Dahil dito, agad tumakbo sa pulisya ang ginang at isinuplong sa mga pulis ang ginawa sa kanyang anak kung kaya agad naaresto ang suspek. Ani Lin, nakasanayan na ng bata na magpunta sa bahay ng matanda dahil ang asawa ng suspek ang nag-alaga sa kanyang mga kapatid. Sa lumabas na resulta ng medical examination, nabatid na positibong ginahasa ng suspek ang bata. Post navigation Previous: Pambato ng ‘Pinas sa Miss Universe, nabigong makapasok sa Top 5Next: Bebot todas sa tarak ng BF sa motel
Sa kabila ng kahandaan MERALCO NAGPAALALA SA PUBLIKO MAG-INGAT SA PANAHON NG TAG-ULAN August 19, 2026August 19, 2026
Sa paglubog ng Metro Manila kahapon ULAN, KORUPSIYON SA FLOOD CONTROL PROJECTS SINISI August 18, 2026August 18, 2026
Wika, Kasaysayan at Kabataan: Itinatampok ng SPP panitikang katutubo sa Buwan ng Wika August 17, 2026August 17, 2026