JC, masaya raw kapag kasama si LJ

122914 lj reyes jc de vera

“I love being around her,” ito ang sinabi ni JC de Vera patungkol sa babaeng nauugnay sa kanya ngayon na si LJ Reyes. Inamin ng aktor sa guesting niya sa Aquino & Abunda Tonight na nagdi-date na sila for a couple of months na. Pero hindi siya ganoon ka-stable because of work.

Sabi ni LJ sa iba niyang interviews na nag-i-enjoy din siya sa company ng aktor. Dagdag pa ni JC, “Ang mahalaga sa amin, okey ako sa family niya, okey siya sa family ko.”