This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PATAY ang isang 61-anyos caretaker ng lupa makaraan pagtulungan bugbugin ng mga pamangkin ng kanyang amo sa loob ng barangay hall sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.
Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Nestor Vargas, ng 32 Everlasting St., Brgy. NBBS, Navotas City.
Agad naaresto ang dalawa sa tatlong mga suspek na sina Jasmin Pido at Diana Katolico, kapwa residente ng 110 DoΓ±a Consuelo St., Brgy. 19 ng nasabing lungsod, habang pinaghahanap si Braulio Pido, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.
Batay sa ulat ni PO2 Joy Alcoriza, dakong 10:30 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng barangay hall ng Brgy. 19 ng nasabing lungsod.
Nakikipag-inoman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang sumulpot mag-asawang sina Braulio at Jasmin Pido kasama si Katolico at pinagtulungang awayin si Vargas dahilan upang dalhin sila ng mga kagawad sa barangay hall.
Ngunit habang nasa loob ng barangay hall ay pinagtulungan bugbugin ng mga suspek ang biktima hanggang sa walang malay na humandusay si Vargas.
Isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.
Napag-alaman, caretaker ng lupain ngΒ tiyuhin ng mga suspek si Vargas ngunit naipanalo sa korte ng biktima ang pagmamay-ari sa lupa na ikinagalit ng mga salarin.