Thursday , December 1 2022

Tserman tigok sa ambush

 081014 dead gun crime7PATAY ang isang barangay chairman makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaki kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Aurelio Padilla, barangay chairman ng New Lower Bicutan, tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa ulat nina SPOI Rodelio Abenojar at PO3 Allan Corpuz, nangyari ang insidente dakong 9:30 p.m. sa M.L. Quezon St., Purok 2, Brgy. New Lower Bicutan.

Agad isinugod ng mga residente sa Taguig-Pateros District Hospital ang barangay chairman at inilipat sa Saint Lukes Hospital sa Bonifacio Global City ngunit binawian ng buhay.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na riding in tandem.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa Bicol nasakote sa Pasig

NADAKIP sa lungsod ng Pasig ang isang 48-anyos lalaking wanted sa kasong pamamaslang sa kanyang …

road accident

Bumangga sa barrier
11 PULIS SUGATAN SA TUMAOB NA PATROL CAR

SUGATAN ang 11 pulis nang sumalpok ang kanilang patrol car sa isang concrete barrier saka …

Bukidnon PPO Police PNP

Sa Bukidon
4 PATAY, 2 PA SUGATAN SA ALITAN SA LUPAIN

PATAY ang apat katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng barilan at …

dead gun police

Aresto nauwi sa enkuwentro, 2 suspek todas, 2 pulis sugatan,

TODAS ang dalawang miyembro ng isang criminal gang habang naaresto ang apat nilang galamay nang …

paputok firecrackers

Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
PRESYO NG PAPUTOK PATULOY NA TUMATAAS

MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo …

Leave a Reply