This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P0.50 bawas-pasahe sa jeep sa Region 10.
Ayon kay LTFRB Chairperson Winston Ginez, epektibo nitong Martes, Enero 20, ibinaba na sa P7.00 ang regular fare mula sa dating P7.50.
Habang mula sa P6.00, P5.50 na lang ang pasahe ng mga senior citizen, may kapansanan at mga estudyante.
Una nang nagkaroon ng public hearing sa Cagayan De Oro noong Enero 7 at 8, at sabi ng LTFRB, walang naging pagtutol sa bawas-pasahe kaya agad itong naaprubahan.
Binanggit ni Ginez, mayroon na rin public consultation sa ibang rehiyon kaugnay ng bawas-pasahe bunsod na rin nang makailang ulit na rollback sa presyo ng produktong petrolyo, partikular na sa diesel.