MULING lumusob sa harap ng Supreme Court ang grupo ng kabataan na Koalisyon ng Kabataan Kortra Kurapsyon o 4K para igiit na desisyonan na ng Korte Suprema ang disqualification case na sinampa ng isang Atty. Alice Vidal laban kay napatalsik na Pangulo at convicted plunderer Manila Mayor Joseph Estrada, magtatlong taon na ang nakalipas.