Sunday , May 19 2024

Wedding designer ni Heart, Naimbiyerna (Ipinadadagdag na design, ‘di kinaya)

ni Alex Brosas

120814 heart

GUSTO raw talbugan ni Heart Evangelista ang wedding gown ni Marian Rivera.

Nabasa namin sa isang website na naimbiyerna raw ang isang wedding gown designer kay Heart sa isang blind item na obviously ay ang dyowa ni senator Chiz Escudero ang tinutukoy.

Ang chika, nagalit daw ang wedding designer kay Heart dahil gusto nitong lagyan ng lace ang kanyang damit-pangkasal para matalbugan ang wedding gown na isinuot ni Marian.

Sinabihan daw si Heart na maghanap na lang daw ng ibang designer at kung gusto niya, nag-suggest pa ito ng isang top wedding designer na kilala sa paggawa ng pabolosang wedding gowns.

We felt na ang gusto lang naman ni Heart ay masunod ang kanyang concept, masama ba ‘yon? Siya ang ikakasal so, siya ang may karapatang mag-suggest kung anong embellishments ang gusto niya sa kanyang damit-pangkasal. Dapat may coordination between her and her fashion designer.

Sa totoo lang, ang fashion designer ang dapat sumunod sa kagustuhan ng isang customer.

Anyway, trusted name naman ang fashion designer ni Heart so we trust that she will be able to execute a gown far better than that of an actress na masyadong feeling.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *