Wednesday , December 7 2022

Teenage bride pinatay ni mister nang mabuking na buntis

FRONTGENERAL SANTOS CITY – Tinutugis ng pulisya ang isang lalaki na bumaril at nakapatay sa kanyang misis kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Tonio Gumbe, 42, magsasaka, residente ng Bati-an Maitum Sarangani Province.

Madaling araw nang nag-away si Gumbe at misis niyang si Noraida Sugod, 16-anyos, na nagresulta sa pamamaril.

Agad binawian ng buhay ang biktima na natadtad ng tama ng bala ang katawan mula sa 12 gauge shotgun ng suspek.

Ayon kay PO1 Rodolfo Cambliza ng Maitum Police station, nagalit ang suspek nang malaman na tatlong buwan nang buntis ang asawa gayong tatlong araw pa lamang silang ikinasal sa pamamagitan ng arranged marriage.

Makaraan ang insidente, agad inilibing ang biktima sa isang ritual ng kanilang tribu.

Kinompirma rin ng pulisya na kasong murder ang haharapin ng suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Money Bagman

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund …

High-rise housing projects BLISS

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang …

Sonny Angara Money Senate

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national …

120622 Hataw Frontpage

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa …

dead gun police

Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN

AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng …

Leave a Reply