Sunday , November 27 2022

Baby Boy sumalisi sa erpat, dedbol sa truck

082914 dead babyBACOLOD CITY – Patay ang 23 buwan gulang lalaking sanggol makaraan magulungan ng rumaragasang truck sa highway ng Brgy. Baliwagan, San Enrique, Negros Occidental kamakalawa.

Sinabi ni PO3 Reinheart Mandit, traffic investigator ng San Enrique Municipal Police Station, akay ng kanyang ama ang biktimang kinilalang si John Mark Lagarto, habang naglalakad sa tabi ng daan.

Biglang tumawid ang paslit na hindi namalayan ng ama dahilan upang magulungan ng truck na minamaneho ni Chandy Romaros na mula sa bayan ng La Castella.

Wasak ang katawan ng bata at ulo na lamang ang nakuha ng lumigpit na punerarya.

Nakadetine na sa detention cell ng San Enrique Police Station ang driver ngunit hindi pa nakapagpasya ang pamilya ng biktima kung sasampahan siya ng kaso.

About hataw tabloid

Check Also

Sa Lumban, Laguna NO 1 KAGAWAD, 1 PA TIKLO SA BUYBUST Boy Palatino Photo

Sa Lumban, Laguna
NO. 1 KAGAWAD, 1 PA TIKLO SA BUYBUST

ARESTADO sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust ang isang barangay kagawad at kanyang kasabwat sa Brgy. …

dead gun police

Sa Tanauan, Batangas
DATING AHENTE NG ONLINE SABONG PATAY SA PAMAMARIL

BINAWIAN ng buhay ang isang 40-anyos lalaking napag-alamang dating ahente ng online sabong nang barilin …

Mandaue Cebu Fire

Coastal community tinupok ng apoy
700 PAMILYA NAWALAN NG TAHANAN SA MANDAUE

HINDI bababa sa 700 pamilya ang nawalan ng masisilungan nang sumiklab ang malaking sunog sa …

Daniel Fernando Alexis Castro Children’s Congress Bulacan

Provincial Children’s Congress ginanap sa Bulacan

“BILANG tagapagtaguyod ng mga bata at ama ng lalawigang ito, batid ko ang aking tungkulin …

prostitution

5 bebot naisalba vs ‘drive-thru’ prostitution,  bugaw timbog

NAILIGTAS ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division ang limang kababaihan, kabilang ang …

Leave a Reply