This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
BINAWIAN ng buhay ang isang tabloid reporter makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang dalawang lalaking suspek na nakasakay sa magkahiwalay na motorsiklo sa Brgy. Tuyo, Balanga City, Bataan kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktimang si Nerlita Ledesma, 48-anyos, reporter ng Abante at Abante Tonite.
Kasalukuyang nakabase sa Bataan ang napatay na reporter.
Samantala, blanko pa ang mga awtoridad sa Bataan kaugnay sa motibo sa pagpaslang sa reporter.
Naglunsad na ng manhunt operations ang Bataan PNP laban sa mga suspek.
Kapag napatunayang work-related ang insidente, si Ledesma ang ika-172 journalist na pinatay sa bansa.
Sa kabilang dako, iniimbestigahan din ng pulisya na posibleng land dispute ang motibo sa pamamaril.
Napag-alaman, ang bahay ni Ledesma sa Sitio San Rafael, Brgy. Cuyo ay pinagbabaril, isang taon na ang nakararaan ngunit wala ni isa man ang naarestong suspek.
Ambush kinondena ng Palasyo
KINONDENA ng Palasyo angย pagpatay sa isang tabloid lady reporter sa Balanga City, Bataan kahapon ng umaga.
Tiniyak ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., tinutugis na ng pulisya ang mga salarin na pumaslang kay Nerlita โNerlieโ Ledesma, 48, reporter ng Abante tabloid.
โKinokondena at ikinalulungkot namin ang pagpaslang kaninang umaga kay Ms. (Nerlita) โNerlieโ Ledesma ng pahayagang โAbante.โ Tinutugis na ng PNP ang mga pinaghihinalaang salarin at sila ay pinag-utusan na gawin ang nararapat upang panagutin ang mga nagsagawa ng krimen,โ ayon kay Coloma.